Tuesday, August 30, 2011

Paguwi..

Halika na..

Sundan yabag nitong nangapasmang mga paa

Ibangon katawang..
katawang nilalamon na ng lupa

Pawiin na..

Pangambang habang buhay na pasasaalila

Ibaon ang diwang..
diwang iniwanan ka sa bisa ng isang sumpa

Bitiwan na

Huling hiningang kinuyom ng minsan pa

Ipaubaya ang labang
labang sa wakas may magpapatuloy na...


Monday, July 11, 2011

Tisa

Bigyan mo ng resolusyon, utak kong papurol...
Pantasa sa lapis ng bungo inupod ng desisyon


Bahagdan mo ng panginis, utak kong kalawangin
Papel na liha malamang, di man tanggal ay mabawasan


Panahon ..

Wednesday, June 29, 2011

wala

Takip silim sa iyong labi
tanging namutawi...


Kinaingatang salamisim
sadyang ikinubli...


Tangang tinig sa'yong pagpanaw
pilit nagsumigaw...


Kay lalakas mang alingawngaw
hindi nagpatanaw


Pagsapit mo, bukang liwayway
ako'y maghihintay


sa katarungang inaanay
tiwala ang alay


Sa pagdating ng dapit hapon
dilim ang lalamon

Sa huling pagkakataon
bigong sumangayon

Wala na sa sirkulasyon
luha ang tumapon

Wednesday, May 18, 2011

Sa kuta ng mga

Kung sa karurukan mo mahahanap
Humayo ka't bagtasin ang gubat


Kung sa alapaap mo malalasap
Lumipad ka't bagwis ay ipalaganap


Kung sa kalawakan mo maaabot
Maglakbay ka't kalabanin, batas ng di mahagap


Sarili mo lang ang limitasyon
sarili mo lang ring imahinasyon
Sarili mo ring korapsyon


ikaw din naman ang resolusyon

Monday, March 28, 2011

Kaalinsabay ng pananaliksik

Naniniwala ako na may kulay ang bawat araw
Minamarkahan ko gamit ang kani- kanilang pangalan
Ngayong hapon, mukhang sabado ang araw
Kulay ponkan, sabog, maaliwalas
Kapanahunang mas gugustuhin mong lumabas
Kaysa sumunod kapag pinatulog ni nanay


Hawak ko ang iyong kamay
Isang araw na mukhang lunes
Nakakatamad, masyadong malakas
matindi ang liwanag, ngunit pinahahanay sa labas
may speech ang principal matapos ang bandila'y maiwagayway
Maya- maya pa'y uwian na't ako'y iyo nang nalimutan


Huwebes nang ika'y aking maalala
Mahangin at pilit nitong itinataas ang mga palda
may bakas ng lila sa hapong palubog ang hari
mas nanaising tumulala't simsimin
Ang malungkot na simoy, maalinsangang hangin


Ngunit alam kong kahit magsaliwa
Tunay na araw at kung pa'no ko ito kinilala
'Pagkat mananatili ang gabing miserable't ma-tala
Mananatiling madilim, matamlay at wari'y walang katapusang pagluluksa


Hihintayin kong muli ang araw...

Tuesday, February 8, 2011

A Chem Back

Oh yeah! This is a come back!


After hibernation, I'm now fully charged!


No more time-outs, no more breaks! I've got to show it now. Everything I have cultured on my plot.


It's time!!


He is indeed listening. He keeps on giving me surprises. Maybe those aren't  surprises but wake up calls or maybe slaps on my face to awaken me further. Anyway, I'd always be thankful for everything, the way things unfold.


Thank you, I wish this is my last come back! 

Wednesday, January 12, 2011

Let there be light

Isang pusikit ng ilaw ang gumulantang sa madilim kong bukas. Meron pa nga pala akong puwedeng tahaking bagong landas. Higit na mas mainam at nararapat para sa akin.

Ginawa ko na ang tamang hakbang para ipahayag ang aking intensyon. Ipagdadasal ko ito sa ating Panginoon. 

Nalalaman kong higit kanino man Siya ang pinakamakapangyarihan.

Amen.

Tuesday, January 4, 2011

Unang Banat sa taong 2011

Unang araw ng pasok sa trabaho kahapon. At ngayon, nandito ako sa bahay, isa nang tambay, isang propesyong ni sa panaginip. hindi ko pag pag- aapplyan.


Sinukuan ko na ang mga pangako ng mga magagandang pundasyong pinaghirapan ko. Naniwala lang ako masyado at nakinig sa sinisigaw ng ego ko. 


At matapos ang dalawang madugong taon, heto ako, isang tambay. Ay, wala pa palang dalawang taon, 1 year and 9 months lang pala.


Masyadong mabigat ang ganito para sa unang banat.