Monday, March 28, 2011

Kaalinsabay ng pananaliksik

Naniniwala ako na may kulay ang bawat araw
Minamarkahan ko gamit ang kani- kanilang pangalan
Ngayong hapon, mukhang sabado ang araw
Kulay ponkan, sabog, maaliwalas
Kapanahunang mas gugustuhin mong lumabas
Kaysa sumunod kapag pinatulog ni nanay


Hawak ko ang iyong kamay
Isang araw na mukhang lunes
Nakakatamad, masyadong malakas
matindi ang liwanag, ngunit pinahahanay sa labas
may speech ang principal matapos ang bandila'y maiwagayway
Maya- maya pa'y uwian na't ako'y iyo nang nalimutan


Huwebes nang ika'y aking maalala
Mahangin at pilit nitong itinataas ang mga palda
may bakas ng lila sa hapong palubog ang hari
mas nanaising tumulala't simsimin
Ang malungkot na simoy, maalinsangang hangin


Ngunit alam kong kahit magsaliwa
Tunay na araw at kung pa'no ko ito kinilala
'Pagkat mananatili ang gabing miserable't ma-tala
Mananatiling madilim, matamlay at wari'y walang katapusang pagluluksa


Hihintayin kong muli ang araw...