Saturday, March 31, 2012

Pilming

Matapos ang ilang araw na pakikipagbuno sa hectic na mga schedule at mga biglaan pasabi na kailangan ako sa isang lugar,dumating din ang araw ng aking pahinga. Araw na pinili kong gamitin para pumasok pa din sa trabaho para sa ekstrang kita. 'Di bale may isa pa naman akong araw na natitira para sa pagpapahinga. Ngunit syempre, inilaan ko ito sa isang espesyal na tao.


Sa apat na taon ay normal na masali sa usapan namin ang tungkol sa mga pelikula. Kung anong bago, ang mga dapat makita at dapat iwasan. Mga palabas na hihintayin na lang magkaroon ng downloadable copy o piratang kopya sa Quiapo (kung meron pang nakakapuslit na mga kakilala). Yung mga bagong labas nang mga kilala niyang indie film makers at mga kaabang abang na mga artista (yung totoong nagpapamalas ng husay sa ART at hindi un umaARTE lang at maganda ang rehistro sa VTR). At ang mga private screenings monthly ng Titus Brandsma sa New Manila, free film festivals sa Shang, sa UP (thesis defense ng UP film majors), free ulit na mga film festivals sa kung saan saang unibersidad .


Ang daming talento at husay ang nasasayang dahil sa walang kawawaan at sabaw na kalidad ng mga palabas na pinopronta sa atin kahit saan. Minsan naiisip kong gumawa din dahil naguumapaw ang ideya sa isip ko bunga ng napakalaking dismaya ko sa nangyayari sa sining dito sa bansa. Hindi lang talaga ito tungkol sa mga basurang pelikulang ginagawa ng mga malalaking producers para lang kumita. Kasama din dito lahat ng aspeto ng sining na binababoy at binabalahura ng mga gahaman sa pera at sa mga walang utak na mga "artista" na walang ibang nasa utak kundi magkapera din.


Pero ang lakas kasi ng tama ng libro ni Bob Ong na "Lumayo ka nga sa akin". Humahagod at kung puwede sana dito na lang igugol ng mga mamamayan ang oras nila dahil higit namang kapupulutan ng aral . Basag ang mga ego ng mga nagpapanggap pero syempre alam nating susuportahan nila ito habang nagpapanggap na hindi sila isa sa mga akusado sa paghihingalo ng buhay ng sining dito.


Basta, alam ko sa sarili ko, may gagawin ako para isalba ito.

1 comment:

  1. amen, dear. move out, roll over, bleed, and serve what was left of Philippine Cinema. I love you.

    ReplyDelete